Tapos na ang paghahasik ng lagim! Public Enemy No. 1 ng Bicol, tumba na sa wakas!

Ayon sa mga ulat, patay sa nasabing engkwentro ang isang Gilbert Concepcion, na isa sa mga most wanted ng Bicol. Nahaharap siya sa mga kasong kidnapping with murder, kidnapping and serious illegal detention, rape, at direct assault.

Talagang hindi nagpahuli ng buhay ang isang lalaki matapos ang engkwentro nito laban sa mga awtoridad nitong Miyerkules ng gabi, Enero 24, sa Parañaque City.

Ayon sa mga ulat, patay sa nasabing engkwentro ang isang Gilbert Concepcion, na isa sa mga most wanted ng Bicol. Nahaharap siya sa mga kasong kidnapping with murder, kidnapping and serious illegal detention, rape, at direct assault.

Kaugnay niyan ay mayroon ng mga arrest warrant si Concepcion. Ihahain sana ang mga ito ng mga operatiba ng Police Regional Office 5 nang mangyari ang naturang engkwentro, kung saan nasawi rin ang isa pang hindi pa nakikilalang lalaki.

Idinadawit rin si Concepcion sa iba pang mga kriminal na aktibidad gaya ng gun for hire, extortion, at pagnanakaw.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.