Tapos na ang boksing! Tigil na yang kabalbalan! TAPE Inc., muling iginiit na kanila ang trademark ng ‘Eat Bulaga’

Layon ng apela ng TAPE na patigilin ng korte ang naunang desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines na itigil na ng TAPE ang paggamit ng pangalang “Eat Bulaga,” pati na rin ang iba pang kaakibat na trademark nito gaya ng mga logo, kanta, at audiovisual recording.

Tila ayaw talagang bitawan ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) ang kontrobersiyal na pangalang “Eat Bulaga,” kung kaya’t nagsampa na ito ng temporary restraining order at request for preliminary mandatory injunction sa Court of Appeals.

Layon ng apela ng TAPE na patigilin ng korte ang naunang desisyon ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) na itigal na ng TAPE ang paggamit ng pangalang “Eat Bulaga,” pati na rin ang iba pang kaakibat na trademark nito gaya ng mga logo, kanta, at audiovisual recording.

Ayon kay Atty. Maggie Garduque, na legal counsel at spokesperson ng TAPE, ang desisyon ng IPOPHL ay “blatant violation of the rules and the disrespect of the jurisdiction of the IPO on the pending trademark cases” dahil hiniling lamang ng TVJ dito na determinahin kung may copyright infringement ba ang TAPE sa paggamit ng naturang pangalan sa noontime show nito.

“What is needed is for the court to decide if TVJ and Ferre have copyright ownership over these audiovisual recordings of past episodes of ‘Eat Bulaga’ to rule whether copyright infringement and unfair competition are committed. The issue on trademark ownership and cancellation is irrelevant and off-tangent in this case,” aniya.

Simula nang ibaba ng IPOPHL ang desisyon nito ay “Tahanang Pinakamasaya” na ang ginagamit ng TAPE para sa noontime show nito.