Tapos na ako! Coleen Garcia gusto makipaghiwalay kay Billy Crawford?

Hindi ipinagkaila ni Coleen Garcia na dumating sa punto na ginusto niyang makipaghiwalay sa kanyang husband na si Billy Crawford.

Hindi ipinagkaila ni Coleen Garcia na dumating sa punto na ginusto niyang makipaghiwalay sa kanyang husband na si Billy Crawford.

Pagkwento ni Coleen, maayos naman bilang asawa si Billy, dumating lang umano sa punto na ginusto niyang makipaghiwalay dahil lang napagod siya sa isang bagay.

Mabuti na lang aniya ay hindi pumapayag si Billy at sinusubukan pa rin ang lahat para maayos ang kanilang pagsasama.

“There were a lot of instances na parang almost pero not really, kasi hindi siya pumapayag. Hindi talaga. Sabi niya, ‘No, we will fix this.‘ Ipinaglalaban niya talaga always yung relationship,” kwento ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda.

“I am thankful for that kasi most of the times na gumi-give up ako, it’s not because may nagawa siya pero dahil napapagod ako. I think ganoon lang kasi talaga ako. Ganoon ako: ‘Ayoko na. Tapos na ako.’ Parang, palagi akong ganoon,” dagdag pa nito.

Sa kabilang banda, pinabulaanan ng aktres na totoong hiwalay na sila ni Billy.

“Hindi, hindi talaga. Never kaming nag-break,” paglilinaw pa nito.