Tangke ng tubig sumabog sa Parañaque, 10 sugatan

Nabulabog ang isang gusali sa kahabaan ng Quirino Avenue, Barangay Tambo, Parañaque City nitong Sabado matapos sumabog ang isang tangke ng tubig.

Nabulabog ang isang gusali sa kahabaan ng Quirino Avenue, Barangay Tambo, Parañaque City nitong Sabado matapos sumabog ang isang tangke ng tubig.

Ayon sa ulat, nasa roof deck ng gusali ang tangke. Nasira ang ilang bahagi ng naturang gusali dahil sa sunog.

Napinsala rin ang dalawang sasakyan sa baba ng gusali. Kinailangan ding isara ng ilang kalsada dahil sa insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng pagsabog.