Tanggalin na sa trabaho ‘yan! Lasing na enforcer diumano ng MMDA, nang-araro ng mga pasahero sa loob mismo ng EDSA Carousel

Nakauniporme pa diumano ang suspek at may dalang two-way radio nang banggain ang dalawang pasahero bumaba sa southbound lane ng EDSA Carousel sa Cubao Quezon City. Hinala ng awtoridad, lasing ito.

Ilang pasaherong kabababa lang ng bus sa southbound lane ng EDSA Carousel sa Cubao, Quezon City ang inararo ng isang diumano’y enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong bisperas ng Bagong Taon.

Ayon sa ulat ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), nakauniporme pa ang suspek at may dalang two-radio nang banggain ang dalawang pasahero bumaba sa southbound lane ng EDSA Carousel.

Hinihinalang lasing ring ang naturang traffic enforcer na humaharurot diumano sa bus lane.

Sapul sa video ng MMDA mismo kung paano nahirapan ang enforcer na sumakay muli sa kaniyang motorsiklo dahil nga sa kalasingan diumano.

Kalaboso naman ang suspek nang humingi ng tulong ang isa pang drayber sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na naka-assign sa bus stop ng Cubao.

Nagmatigas pa diumano ang traffic enforcer at hindi ibinigay ang kaniyang lisensya.

Hindi pinangalanan ng MMDA ang suspek, subalit ipinag-utos n ani MMDA Chairman Romando Artes na imbestigahan ang insidente.

“He might be terminated if he is a job order employee,” aniya.