Tanggalin ang sobrang tauhan sa gobyerno! Panukalang rightsizing, dapat nang talakayin ng Senado—mambabatas

Layon ng National Government Rightsizing Act na mas mapasaayos ang operasyon ng iba't ibang ahensiya at sangay ng pamahalaan, kaya naman nanawagan na ang isang mambabatas na aksiyunan ito ng Senado.

Hinikayat ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang Senado na talakayin na at ipasa ang panukalang National Government Rightsizing Act na una nang inaprubahan ng House of Representatives.

Ang nasabing panukala, o ang House Bill (HB) No.7240, ay inaprubahan ng House of Representatives upang mas maayos ang operasyon ng iba’t ibang sangay ng gobyerno, kabilang na ang mga opisina nito.

Gayunpaman, nilinaw ni Villafuerte na hindi apektado sa rightsizing ang mga guro, healthcare provider, at uniformed personnel kahit pa kayon ng HB 7240 na bigyang karapatan ang mga sangay ng gobyerno na magpatupad ng sarili nitong mga plano sa rightsizing.

Ayon kay Villafuerte, hindi saklaw ng rightsizing ang mga sumusunod:

• Teaching at teaching-related positions sa elementarya, high school, at sa kolehiyo
• Medical at allied-medical items sa mga ospital at pasilidad pang-medikal
• Military at uniformed personnel ng Departments of National Defense, Department of Interior and Local Government, Department of Transportation, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Justice.

Kasalukuyang naka-break ang sesyon ng House of Representatives at Senado.