Tanggalan ng prangkisa ang nagkakalat ng fake news! Ulat na diumanong P1.8-bilyong travel fund ni Romualdez, peke at malisyo—House official

Kilala na sa pagpapakalat ng fake news ang "news network," at ang may-ari nito ay pinaghahanap ng mga awtoridad sa Estados Unidos matapos akusahan ng iba’t ibang uri ng krimen, kabilang ang paghalay at pagpuslit ng pera.

Pinabulaanan ng liderato ng Kamara na P1.8 bilyon ang travel fund House Speaker Martin Romualdez, at tinawag ring “completely unfounded” at “categorically false” ang paratang.

Inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco ang pahayag matapos ibalita ng Sonshine Media Network International (SMNI) na P1.8 bilyon nga ang inilaan para sa Speaker.

“These allegations are a clear example of fake news, designed to mislead the public and tarnish the reputation of the Speaker and the entire House of Representatives as an institution,” saad ni Velasco.

Dagdag pa ni Velasco, sinisiguro ng Kamara ang transparency at accountability, kung kaya’t hindi lulusot ang paratang ng SMNI.

“We, in the House of Representatives, are dedicated to serving the nation with integrity and will continue to focus on our legislative duties, rather than being distracted by unfounded rumors and misinformation,” aniya.

Hinimok rin niya ang taumbayan na huwag basta-basta maniniwala sa mga naririnig o nababasa nito.