Tamisan! Romualdez, may matamis na mensahe sa maybahay nito sa kaniyang kaarawan

Laging seryoso at palaban sa Kongreso, pero may sweet side rin naman pala si House Speaker Martin Romualdez, lalo sa kaniyang pinakamamahal na maybahay na si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez.

Bagaman laging seryoso sa trabaho, may pagka-Don Romantiko rin pala si House Speaker Martin Romualdez.

Nitong Linggo, Oktubre 22, nag-post ang speaker sa Facebook nito ng napakatamis na mensahe sa kaniyang maybahay na si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, na nagdiwang ng kaniyang kaarawan.

“Before the day concludes, I want to extend my heartfelt birthday wishes to my wife Yedda. Your dedication and selflessness inspire everyone around you,” sambit ni Romualdez. “Your love and presence in my life are sources of immeasurable happiness. May your day reflect the incredible person you are! Happy birthday, Love!”

Matuturing isang celebrity couple sina Speaker Romualdez at Rep. Romualdez, na kumatawan sa Pilipinas sa Miss International noong 1996. Sila ay may apat na anak.