Tameme! 2 barko ng China naispatan sa naval exercise ng ‘Pinas

Naispatan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang barko mula sa Chinese People's Liberation Army Navy (PLAN) 'di kalayuan mula sa isinagawang multilateral maritime cooperative activity (MMCA) noong Linggo.

Naispatan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang barko mula sa Chinese People’s Liberation Army Navy (PLAN) ‘di kalayuan mula sa isinagawang multilateral maritime cooperative activity (MMCA) noong Linggo.

Ngunit ayon kay AFP chief of staff Gen. Romeo S. Brawner, hindi nakialam ang China sa gitna ng naturang aktibidad.

Naging matagumpay umano ang kauna-unahang MMCA sa pagitan ng Pilipinas, US, Australia, at Japan.

“We were able to achieve all the objectives that we have set forth including the anti-submarine warfare exercise that we conducted,” wika ni Brawner.

Ginanap ang MMCA sa karagatang malapit sa Busuanga sa Palawan. Dumaan din ang mga sasakyang pandagat sa Sabina Shoal at Reed Bank.

“So we are saying that while we were conducting our own exercises in the WPS, we only monitored the presence of two PLAN ships at wala namang ginawang mga combat patrol or mga exercises,” dagdag pa ng AFP chief of staff.