Tamang hinala! Motovlogger sinabutan nang mapagkamalang kabit ng isang bebot

Viral sa social media ngayon ang video kung saan mapapanood ang pagtulak at pagsabunot ng isang babae sa babaeng motor vlogger sa gitna ng kalsada.

Viral sa social media ngayon ang video kung saan mapapanood ang pagtulak at pagsabunot ng isang babae sa babaeng motor vlogger sa gitna ng kalsada.

Base sa dashcam footage na in-upload sa Facebook, makikita na hinawakan sa baywang ng lalaking lulan ng motor ang vlogger para manghingi ng sticker, na karaniwang ipinamimigay ng mga motovlogger.

Binigay naman ito ng sticker subalit ilang sandali lang ay biglang pinaghahampas ng pasaherong babae ang kanyang kasama.

Sinugod din ng nagawawalang babae ang naturang motovlogger at saka itinulak at sinabunutan.

Naawat naman ng rumespondeng pulis ang pagwawala ng babae.

Samantala, narito ang reaksyon at komento ng mga netizen:

“Bakit kasi sa baywang hahawak?” saad ng isa.

“Si kuya naman kasi sa baywang pa kasi talaga humawak? Harap-harapan pa ni misis, oh, edi ayan nabatukan ka,” sey naman ng isa.

“Nakita kasi ng asawa saan humawak eh. Nagselos nang matindi,” ani ng isa pa.