Tama nga si Speaker, tama nga ang Kamara: Pagsulong ng RBH6 sa Senado, patunay na dapat nang ituloy ang Cha-Cha

Layon ng RHB No. 6 na amyendahan ang Artikulo XII, XIV, and XVI ng Saligang Batas upang mas mapalago pa ang ekonomiya ng bansa, at siguradong susuportahan ito ng House of Representatives, ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.

Ang pagsulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Resolution of Both Houses No. 6 (RHB No. 6) para amyenhadan ang Saligang Batay ay patunay lamang na napapanahon na talaga ang Charter Change at tama ang Kamara—partikular na si House Speaker Martin Romualdez—sa pagsulong nito.

Iyan ang sabi ni House majority leader at Zamboanga Rep. Manuel Jose Dalipe matapos isinumite ni Zubiri ang RHB No. 6 ilang araw na ang nakakaraan.

“This marks the first time the Senate has agreed to amend the Constitution, vindicating the House’s 37-year-long pursuit of constitutional reforms,” saad ni Dalipe sa isang pahayag. “It also reaffirms our position under Speaker Romualdez that constitutional amendments are essential to keeping pace with the rapidly evolving global economy.”

Dagdag pa ni Dalipe, umaasa siyang susuportahan ng mayorya ng House of Representatives ang RBH No. 6.

Layon ng RHB No. 6 na amyendahan ang Artikulo XII, XIV, and XVI ng Saligang Batas upang mas mapalago pa ang ekonomiya ng bansa.