Tama na TikTok, uy! Pagbabawal ng TikTok sa gobyerno, suportado ng Internet Society

Suportado ng Internet Society ang panukala ng National Security Council na ipagbawal na ang paggamit ng TikTok sa mga government personnel dahil sa taglay nitong security risks.

Suportado ng Internet Society ang panukala ng National Security Council na ipagbawal na ang paggamit ng TikTok sa mga government personnel dahil sa taglay nitong security risks.

Sa isang panayam nitong Lunes, Setyembre 11, sinabi ni Winthrop Yu, chairman emeritus at acting spokesperson ng Internet Society Philippines Chapter, na ang paggamit ng social media apps ay may kaabikat na security risks, at ito ay mas matindi kung Tiktok ang ginagamit.

Ito ay dahil obligasyon ng mga Chinese-based company gaya ng ByteDance, ang parent company ng TikTok, na makipagtulungan sa pamahalaan ng China, lalo na pagdating sa pagbabahagi ng mga impormasyong nakakalap nito.

“TikTok has no choice but to surrender all their accumulated information to Chinese security services,” paliwanag ni Yu. “All phone apps are dangerous and represent a security risk, particularly if the app maker is subservient to its government.”

Dahil dito umano, maaaring makapag-espiya ang China sa mga kawani ng gobyerno o kaya ay makuha ang kanilang mga personal information.