Tama na, sobra na, alisin na! Hugas-kamay at palusot ng NGCP, nakakarindi na; ‘’Di dasurv ng Pilipino ang palpak na serbisyo!’—mambabatas

Para sa mambabatas, dapat tanggalan ng prangkisa ang National Grid Corporation of the Philippines hindi lamang dahil sa kapalpakan nito, kundi pati na rin sa tahasang pagtanggi nito ng responsibilidad.

Nanawagan si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa Kongreso na tila dapat bawiin na nito ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hindi lamang dahil sa kapalpakan nito, kundi pati na rin sa tahasang pagtanggi nito ng responsibilidad.

“Atonement or corrective action can take place only when preceded by an acceptance of some sort or level of lapse in judgement or action, so how can we expect the NGCP to reform its ways or do better in running our national transmission system if it thinks it is not guilty of anything in the performance of its critical job?” saad ni Villafuerte sa isang pahayag.

BASAHIN RIN: Tanggalin na ang prangkisa nito! Iloilo provincial gov’t, maghahabol ng danyos laban sa NGCP dahil sa kapalpakan ng serbisyo nito–Gov. Defensor

Aniya, pagkansela na ng prangkisa ang tamang hakbang dahil ayaw naman akuin ng NGCP ang responsibilidad sa naganap na malawakang brownout sa Western Visayas.

“Modifying or canceling its franchise seems the best course of action at this point, given that the NGCP has haughtily refused to accept responsibility for the three-day power cutoff,” dagdag ni Villafuerte.

Una nang nanawagan si Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. na papanagutin ang NGCP dahil sa nangyaring power outage sa rehiyon.

BASAHIN RIN: Nagkataon lang o nagbabadyang krisis na? Bahagi ng Panay, Negros Occidental, tinamaan ng malawakang blackout