Takot multuhin! PBBM, tatapusin agrarian reform program ng ama

Sa takot na multuhin ng kanyang ama, nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tatapusin niya ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa ilalim ng Agrarian Reform Program bago matapos ang kaniyang termino sa 2028.

Binatawan ng Pangulo ang pangako nang pangunahan niya ang pamamahagi ng higit tatlong libong titulo ng lupa sa mga magsasaka sa Caraga Region nitong Biyernes ng hapon.

Ang agrarian reform program ay nag umpisa sa ilalim ng pamumuno ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

“Agrarian reform, that was his first na pinirmahan na batas. Ang kanyang kasama was the Agrarian Reform secretary, ang lolo naman ni Conrad Estrella— Secretary Conrado Estrella,” anang Pangulo.

“Noong natapos na ang kampanya, at nag-uusap kaming dalawa, sabi ko, ‘Mumultuhin tayo ng ating mga ninuno pag hindi natin tinapos ang kanilang sinimulan,’” dagdag niya.

Bukod sa pamamahagi ng titulo ng lupa, namigay rin si PBBM ng mga gamit pangsakahan na nagkakahalaga ng P8.91 million at pinangunahan ang ribbon cutting sa farm to market markers sa Agusan del Sur.