Taken na uli si Lloydie! John Lloyd Cruz, inaming kasintahan niya si Isabel Santos

May lovelife na uli ang sikat na aktor na si John Lloyd Cruz, at inamin niya ito sa isang interview kay Boy Abunda kamakailan.

“Si Isabel ay girlfriend ko, boyfriend niya ako.”

Iyan ang isinagot ni John Lloyd Cruz kay Boy Abunda na tanungin niya kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ng tanyag na cartoonist na si Isabel Santos.

Bagaman inamin na ni Cruz na kasintahan niya si Santos, pinili naman nitong huwag na magbigay pa ng ibang personal na impormasyon tungkol sa relasyon nila.

“We’re boring people. Wala kaming maikukuwento. Ganyan lang kami (sabay turo sa LED screen kung saan may litrato silang dalawa),” sabi ni Cruz kay Abunda.

Gayunpaman, ikinwento na rin ni Lloydie na matagal na silang magkakilala ni Malang, na una niya aniyang nakilala sa isang art gallery noong mga panahong wala na siya sa ABS-CBN.

Hindi naman sila nagkamabutihan agad-agad ayon na rin sa pamosong actor, pero inamin naman niyang naging “present” na si Santos sa buhay niya magmula noon.