Take one for the team! OTS chief, nagbitiw matapos malagay ang budget ng DOTR sa panganib

Nagbitiw na sa tungkulin si Office for Transportation Security (OTS) Administrator Ma. O Aplasca matapos masangkot ang OTS sa iba't ibang kaso ng pagnanakaw sa NAIA.

Pormal nang naghain ng pagbibitiw si Office for Transportation Security (OTS) Administrator Ma. O Aplasca nitong Martes, Setyembre 26, matapos ang kaliwa’t kanang kontrobersiyang kinasasangkutan ng OTS screening personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Aplasca sa resignation nito, na nakapangalan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ang kaniyang pagbibitaw ay isang “noble undertaking for a greater interest.”

Bagaman nagbitiw na sa pwesto, iginiit ni Aplasca na wala siyang kasalanan, at bagkus ay nanguna pa sa isang “honest campaign against corruption in all our airports nationwide.”

“It is just unfortunate that as we weed out the scalawags in our ranks, it will always draw media attention and tarnish the reputation of our country,” dagdag pa ni Aplasca.

Matatandaang nauna nang nanawagan si House Speaker Martin Romualdez na agarang magbitiw sa pwesto si Aplasca, dahil personal aniya niyang haharangin ang budget ng Department of Transportation kung hindi magbibitiw sa pwesto si Aplasca.Z