Takdang presyo sa bigas, raid vs sa mga hoarder, pinuri ng mga mambabatas

Umani ng papuri mula sa dalawang mambabatas ang mga hakbang ng gobyerno para patibayin ang mababang presyo ng bigas sa merkado.

Pinuri ng dalawang mambabatas ang ginawang hakbang ng gobyerno sa pagtakda ng presyo sa bigas dahil nakatulong ito gawing mura ang pangunahing pagkain ng Pilipino.

Ayon kay Quezon Rep. Mark Enverga, tumibay ang mababang presyo ng bigas sa tulong ng Executive Order (EO) No. 39 na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kamakailan, at sa mga raid na ginawa sa mga warehouse kung saan natagpuan ang mga iligal na inimbak na bigas.

“President Marcos and Speaker [Ferdinand Martin] Romualdez have showcased exemplary leadership and visionary strategies in tackling the intricate matter of rice pricing,” sinabi ni Enverga sa isang pahayag.

“Their decisive actions, notably the implementation of a price ceiling on rice, have been instrumental in upholding stability in this vital commodity, even amidst the turbulent tides of the global market,” dagdag ni Enverga, chairman ng House Committee on Agriculture and Food.

Para naman kay Albay Rep. Joey Salceda, tila nahimasmasan na ang mga nagsasamantalang mga hoarder dahil sa pagtakda sa presyo at mga raid na isinagawa.

“The cap ended the rice price spike. It is now clear that soaring cost of the grain is artificial, driven by market speculation and rice traders driven by greed. Now, we have to manage our rice inventory better to avoid fueling the speculation here and in the global rice market,” ayon kay Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means.

“The global market shift following their intervention is a testament to their ability to navigate complex economic landscapes. It highlights the Philippines’ capacity to influence and contribute positively to international food markets,” aniya.