Taiwan kinampihan ‘Pinas: China nagpapalaki ng gulo!

Pinalalala ng China ang tensyon sa West Philippine Sea ayon sa Ministry of Foriegn Affairs ng Taiwan.

Pinalalala ng China ang tensyon sa West Philippine Sea ayon sa Ministry of Foriegn Affairs ng Taiwan.

Ito ay matapos ang mapanganib na pagkilos na ginawa ng China laban sa barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea kamakailan.

Sa post sa X account, mariing kinondena ng Taiwan ang China at sinabing “#China’s dangerous actions against #Philippines vessels & personnel have maliciously raised regional tensions.”

“#Taiwan condemns violence, opposes attempts to forcefully alter the status quo & calls for peaceful dispute resolution & respect for international maritime law,” saad pa nito.

Matatandaang hinarang ng China Coast Guard ang barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal.

Isang sundalo ang naputulan ng daliri habang pitong iba pa ang nasugatan.

Una nang sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Romeo Brawner na umaktong pirata ang mga Chinese Coast Guard nang kunin ang armas ng mga sundalo.

Naglabas din ng mga larawan at video ang mga awtoridad na makikitang armado ng mga patalim at palakol ang mga tauhan ng China.

“They would like to push us to fire the first shot. ‘Yun ang labanan diyan. You should understand. [The] Chinese thought papatol tayo sa maling paraan,” pahayag ni Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad.