Tagumpay ng ating military! Lubos na paghina ng mga guerilla fronts, maituturing na ‘strategic victory’ – NTF-ELCAC

Maituturing na “strategic victory” ang kawalan ng kakayahan na maglunsad ng gera ang huminang mga gerilya sa pangkabuuang inisyatibo tungkol sa kapayapaan, ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Maituturing na “strategic victory” ang kawalan ng kakayahan na maglunsad ng gera ang huminang mga gerilya sa pangkabuuang inisyatibo tungkol sa kapayapaan, ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa isang pulong balitaan noong Sabado, Setyembre 2, sinabi ni NTF-ELCAC director Alexander Umpar na tanging 20 na guerilla front na lamang ang aktibo, at 19 rito ang napahina na ng husto.

“‘Pag sinabi nating strategic victory, ito na ‘yung 19 weakened guerilla fronts at isa na lang ‘yung kinu-kompronta ng AFP (Armed Forces of the Philippines),” ani Umpar sa Saturday News Forum sa Quezon City.

“May mga concerns pa rin sa armed [groups] pero hindi na sila nakakapag-initiate ng armadong pakikibaka or to [topple] down our government. So, ‘yun ‘yung strategic victory,” paliwanag pa ni Umpar.

Simula nang itatag ang task force noong 2018, 69 ng 89 guerilla fronts na ang kinalas nito, ayon kay Umpar.

Para kay NTF-ELCAC director Jose Descallar, naniniwala siya na kayang ipagpatuloy ng gobyerno ang kanilang kampanyang mahikayat ang mga rebelde na magbalik-loob sa lipunan at tuluyan nang talikuran ang kilusang komunista.

Hinikayat ni Descallar ang mga rebelde na bumalik na sa poder ng gobyerno na nagsusumikap magtrabaho para magkaroon ng “bagong Pilipinas.”

Isa sa mga epektibong diskarte ng NTF-ELCAC upang mahikayat ang pagbabalik-loob ng mga rebelde ay ang patuloy na pagsasagawa ng mga localized peace engagements, punto ni Director Emmanuel Santos ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).

“Kaya po natin nilo-localize na ‘yung pakikipag-usap, para po mas malapit na sa tao ‘yung maparamdam po na nandito po ‘yung gobyerno talaga,” giit ni Santos.