Tag-ulan nagsimula na – PAGASA

Idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagsimula na ang tag-ulan sa Pilipinas.

Idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagsimula na ang tag-ulan sa Pilipinas.

Ito ay matapos umano maobserbahan ang kalat na pag-ulan sa nakalipas na mga araw sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Bukod pa riyan, sumabay din umano ang madalas na pagkulog at pagkidlat, pagdaan ng Typhoon Aghon, at habagat.

“The high chance of La Niña conditions by the July-August-September period increases the likelihood of above-normal rainfall conditions in some areas of the country, especially towards the end of the year,” saad ng PAGASA sa isang pahayag.

Gayunpaman, sinabi ng PAGASA na maaaring magkaroon ng mga bahagyang pagtigil ng pag-ulan na tatagal ng ilang araw o linggo.