Tablado sa tropa! Pantaleon Alvarez gusto masibak ni Tagum Mayor Rey Uy

Hinirit ni Tagum Mayor Rey Uy na matanggal bilang kongresista si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Hinirit ni Tagum Mayor Rey Uy na matanggal bilang kongresista si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Ito’y kahit pa tinuturing ni Uy na ‘best of friends’ sila ng mambabatas.

“Walang politika ito, trabaho lang. I’ve been in politics since 1988. Since 1988, wala po akong minura. I respect all my colleagues, I respect my co-public officials… We are best of friends, magkasama kami 2019 na elections,” saad ni Uy noong humarap ito sa pagdinig ng House Committee on Ethics and Privileges.

Ayon kay Uy, sumobra na ang kanyang kaibigan nang himukin nito ang mga sundalo at pulis na bawiin ang suporta nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“That’s too much, ‘wag nating gagawin ‘yong freedom of expression na maski ano na lang ang i-sabi natin sa mga kapwa nating mga official,” giit ni Uy.

“Freedom of expression is not absolute, kaya may batas tayong libel eh, hindi ka basta-bastang mag-mura na lang dito maski sino,” aniya pa.

Matatandaan na inireklamo si Alvarez sa Ethics panel ng Kamara dahil bukod sa mga banat nito kay Marcos ay hindi rin ito pisikal na nakakadalo sa mga sesyon sa Kamara.