Tablado! Robin bigong maligtas si Quiboloy sa contempt ng Senado

Kinulang ang nakuhang pirma ni Senador Robin Padilla para matabla ang contempt ruling para kay Pastor Apollo Quiboloy.

Kinulang ang nakuhang pirma ni Senador Robin Padilla para matabla ang contempt ruling para kay Pastor Apollo Quiboloy.

Binigyan ng pitong araw si Padilla para kumalap ng walong pirma mula sa mga senador na miyembro ng Senate committee on women.

Natapos na ang palugit kay Padilla nitong Martes, March 12.

“Nakakalungkot po na umabot lamang po sa 5 ang senador na pumirma,” ayon kay Padilla.

Aniya, ang mga nakumbinse niya para harangin ang contempt order kay Quiboloy ay sina Senators Bong Go, Imee Marcos, at mag-inang Cynthia at Mark Villar.

Matatandaan na si Senadora Risa Hontiveros ang nagsagawa ng mosyon para i-contempt si Quiboloy matapos nitong isnabin ang Senado sa kabila ng nilabas na subpoena sa kontrobersyal na pastor.

Naglabas na rin ng show cause order si Hontiveros na pirmado ni Senate President Miguel Zubiri para pagpaliwanagin si Quiboloy kung bakit hindi ito dumadalo sa mga hearing.