SWS: 50% ng Pinoy pabor sa Divorce Law

Suportado ng lima sa sampung Pilipino ang pagsasabatas ng Absolute Divorce Law, ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).

Suportado ng lima sa sampung Pilipino ang pagsasabatas ng Absolute Divorce Law, ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa survey, 50% ang sumang-ayon pabor sa divorce, 31% ang kumontra habang 17% ang undecided pa. Isinagawa ang naturang survey mula March 21-25, 2024.

“Net agreement with legalizing divorce was very strong among men and women with live-in partners compared to moderately strong levels among widowed or separated women, men who have never married, women who have never married, widowed/separated men, married women, and married men,” saad ng SWS.

Nabanggit din ng SWS na ang bilang ng sumang-ayon pabor sa legalisasyon ng diborsiyo ay pinakamataas sa Metro Manila, sumunod sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas, at neutral naman sa Mindanao.

Bagaman mataas pa rin ang sumusuporta sa divorce, bumaba naman ang naturang bilang ng 5% mula sa 55% noong June 2023 na huling survey ng SWS tungkol sa isyu.