Swiss humirit ng bomb joke sa Siargao airport, diretso kulungan

Inaresto ang isang Swiss national matapos nitong magbiro tungkol sa bomba sa loob ng Siargao Domestic Airport.

Inaresto ang isang Swiss national matapos nitong magbiro tungkol sa bomba sa loob ng Siargao Domestic Airport.

Ipinakilala ang suspek sa alyas na ‘Pet’, 63-anyos, mula Switzerland.

Paalis na sana ng Siargao ang naturang turista nang marinig ito ng duty passengers service agent na dalawang beses na may binaggit tungkol sa bomba.

Kaya naman agad na inimbestigahan ang bagahe ng turista, at wala namang nakitang pampasabog dito.

Ngunit dahil sa bomb joke, dinakip pa rin ang Swiss national dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o “Malicoius dissemination of false information of the willful making of any threat concerning bombs”.

Nagpapaalala naman si Police Regional Office 13 director PBGen. Kirby John Kraft sa publiko na iwasan ang pagbibiro tungkol sa bomba lalo na sa loob ng eroplano o airport.