Swerte leap day! P15M lotto jackpot binulsa ng taga-San Juan

Nagkataon na sumakto sa mailap na February 29 ang pagkapanalo ng isang lotto bettor mula sa San Juan!

Nagkataon na sumakto sa mailap na February 29 ang pagkapanalo ng isang lotto bettor mula sa San Juan!

Nasungkit ng isang mananaya ang P15 million jackpot mula sa Lotto 6/42.

Tumpak ang winning combination na 05-21-03-33-30-41 para makuha ng bettor ang P15,019,736.80 nitong Huwebes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tumaya ang mananaya sa isang lotto outlet sa Brgy West Crame sa San Juan.

Samantala, 22 bettor naman ang nanalo ng P24,000 matapos matamaan ang limang numero sa winning combination. Habang 1,146 naman ang may P800 dahil sa apat na tamang numero.

Ang mga nanalo ng higit sa P10,000 ay papatawan ng 20 percent tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.