Sweet sa housewarming party! Mga netizen kinilig sa KathDen

Patuloy ang pagpapakilig nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang mga fans.

Patuloy ang pagpapakilig nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang mga fans.

Sa housewarming party kasi para sa bagong bahay ng family ni Kathryn ay present si Alden.

Sa binahaging photos ng Nice Print Photography, makikita ang closeness nina Kath at Alden.

Sa isang larawan ay nakahawak si Alden sa braso ni Kathryn habang magkalapit ang kanilang mga mukha.

May iba pang larawan kung saan nag-uusap ang KathDen.


Ilan sa mga netizens tuloy ang natuwa sa patuloy na pagiging close ng dalawang celebrity.

Heto ang ilan sa kanilang comments:

“Grabe! Ang sweet ni Alden and Kath.”

“At bakit prang photoshoot ng KathDen”

“Parang may something talagaaaaaa.”

“Hindi ako mahilig mag-fangirling but because of Kath and Alden, wala ehhh iba sila.”