Suspendido ulit ang printing: Driver’s license na pa-expire nitong Nobyembre, extended ang validity hanggang Abril 2024—LTO

Nauna nang nag-anunsyo ang LTO na ini-extend nito ang validity ng mga driver’s license na mag-e-expire mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon.

Pinalawak ng Land Transportation Office (LTO) hanggang Abril 2, 2024 ang validity ng mga driver’s license na pa-expire na ngayong Nobyembre. Ito ay dahil sa writ of preliminary injunction na ibinaba ng Korte Suprema hinggil sa pagbili ng ahensiya ng mga plastic card para sa printing ng mga lisensya.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, ang plastic cards na natitira sa imbentaryo ng ahensiya ay sapat lamang para sa mga lisensiya hanggang Hunyo ngayon taon.

Kaugnay niyan, nag-issue si Mendoza ng memorandum circular noong Nobyembre 8, kung saan sinabi nitong lahat ng natitirang plastic card ng ahensya ay gagamitin lamang para sa mga overseas Filipino workers, foreign driver’s license conversion, diplomats, at backlogs ngayong taon.

Nauna nang nag-anunsyo ang LTO na ini-extend nito ang validity ng mga driver’s license na mag-e-expire mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon.