Suspek sa pagsaksak ng aspin sa Pampanga, tinuluyan na

Kinasuhan na ang suspek sa pagsaksak sa isang aspin sa Mabalacat, Pampanga nitong Sabado.

Kinasuhan na ang suspek sa pagsaksak sa isang aspin sa Mabalacat, Pampanga nitong Sabado.

Sa post ng Animal Kingdom Foundation (AFK), ipinakita ang investigation data form na patunay na nakasuhan na ang nanaksak kay ‘Chow-chow’.

Noong March 5 nangyari ang insidente kung saan bigla na lang umanong pinasok ng kapitbahay ang tahanan ng may-ari ng aso.

Doon na walang awa na pinagsasaksak ng suspek ang aspin.

Noong makita si Chow-chow ay may nakatarak pang patalim sa bandang pwetan nito.

“The poor dog was seriously injured and was bleeding profusely so he was rushed to a nearby animal hospital,” ayon sa post.

Handa naman ang AFK na tumulong sa pamilya ng may-ari ng aso para sa kanilang magiging laban sa korte.