Suspek na nakapatay sa EDSA road rage shooting: Hindi ako masamang tao!

Nakiusap sa publiko at sa media si Gerard Raymond Yu, ang negosyanteng suspek sa karumal-dumal na pamamaril na ikinasawi ng isang driver sa EDSA-Ayala Tunnel nitong Linggo, na huwag siyang husgahan dahil hindi raw siya masama.

Nakiusap sa publiko at sa media si Gerard Raymond Yu, ang negosyanteng suspek sa karumal-dumal na pamamaril na ikinasawi ng isang driver sa EDSA-Ayala Tunnel nitong Linggo, na huwag siyang husgahan dahil hindi raw siya masama.

“Nakikiusap ako para sa media. Mabuti po tayong tao. Hindi tayo masama. Nakikiusap ako sa mga tao, huwag naman husgahan tayo.” makaawa ni Yu.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, naaresto si Yu noong Miyerkules sa kanyang tahanan sa Pasig City. Nakuha sa kanya ang dalawang .40-caliber pistol na may license sa kanya, ngunit wala siyang permit na magdala nito sa labas ng kanyang bahay.

Biktima ni Yu ay si Aniceto Mateo, 65, na driver ng puting Toyota Innova na nagmumula sa Ayala Alabang. Kasama niya sa sasakyan ang isang katulong at isang 7-anyos na bata nang sila’y pagbabarilin ng suspek sa itim na Mercedes-Benz na may plakang BCS 77.

Ayon sa mga ulat, nagkagitgitan umano ang dalawang sasakyan bago ang pamamaril. Sinundan umano ng Mercedes-Benz ang Innova sa loob ng tunnel, at walang palitan ng salita bago nagputok ang baril.

Bukod sa kasong murder, mahaharap din si Yu sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Land Transportation and Traffic Code.