Survey: Willie Ong no. 1 senador, Bato ligwak!

Nanguna si Doc Willie Ong sa listahan ng iboboto ng mga Pilipino pagka-senador sa eleksyon 2025, ayon sa 2024 Pahayag survey ng Publicus Asia.

Nanguna si Doc Willie Ong sa listahan ng iboboto ng mga Pilipino pagka-senador sa eleksyon 2025, ayon sa 2024 Pahayag survey ng Publicus Asia.

Tuluyan namang bumulusok si Senator Bato Dela Rosa at nawala na sa listahan pagkatapos ang dalawang sunod na quarter dahil umano sa pagbaba ng tiwala ng mga taga-suporta.

Ilan naman sa mga prominenteng pangalan ang nakasama sa listahan ay sina Erwin Tulfo, Ping Lacson, Isko Moreno, Pia Cayetano, Tito Sotto, at Gibo Teodoro.

Pasok pa rin sa listahan ng mga Pinoy pagka-senador sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher Bong Go.

Bet pa rin maging senator ng taumbayan si Senator Imee Marcos. Habang hindi rin nawawala sa listahan ang pambato ng Liberal na sina dating Vice President Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

Isinagawa ang Pahayag survey mula Hunyo 15-19 na may bilang na respondents na 1,507 mga botante.