Survey says: VP Sara, nakamit ang pinakamataas na satisfaction rating; PBBM, mataas rin ang nakuhang puntos

Nakuha ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang pinakamataas na satisfaction rating sa mga pangunahing nanunungkulan sa gobyerno, ayon sa isang survey.

Nakuha ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang pinakamataas na satisfaction rating sa mga pangunahing nanunungkulan sa gobyerno, ayon sa isang survey.

Batay sa survey na ginawa ng Oculum Research and Analytics Philippines, nakatanggap ng 79 porsiyentong satisfaction rating si Duterte-Carpio, habang sumunod naman si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakatanggap ng 74 porsiyentong satisfaction rating.

Samantala, ikatlo naman si Senate President Juan Miguel Zubiri (61 porsiyento), at sumunod naman sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez (55 porsiyento) at Chief Justice Alexander Gesmundo (48 porsiyento).

Paniwala ni University of Santo Tomas (UST) political science professor Dennis Coronacion, ang mataas na rating na nakuha nina Duterte-Carpio ay maaaring dahil sa “honeymoon period,” kung saan ang mga matataas na opisyal ay hindi pa sumasailalim sa matinding pagsusuri ng publiko at media.

“Sara Duterte’s higher rating compared to President BBM’s can be explained by the former gaining more media mileage due to her controversial appointment as DepEd (Department of Education) Secretary and the current administration’s policy of going back to face-to-face classes,” paliwanag rin ni Coronacion, na siya ring chief political analyst ng Oculum Research and Analytics Philippines.

Isinagawa ang survey mula Hulyo 17 hanggang 31 at may lumahok na 1,200 respondents mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.