Survey: Mga Pinoy pabor sa pagpapalawak ng renewable energy ni PBBM

Pabor ang higit sa kalahating Pilipino sa pagpapalawak ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa renewable energy.

Pabor ang higit sa kalahating Pilipino sa pagpapalawak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa renewable energy.

Ayon sa resulta ng survey ng Publicus Asia Inc., nasa 68 porsyento ng Pinoy ang sang-ayon sa plano ng Pangulo para sa renewable energy.

Isinagawa ang survey mula Marso 14 at tumagal ito hanggang 18, 2024.

Samantala, nauna nang iulat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na 51 sa 59 na proyekto sinang-ayunan para sa “green lane treatment” ay nasa sektor ng renewable energy.