Surot sa NAIA posibleng imported – NAIA pest control

Posible umanong sa ibang bansa nagmula ang mga surot na nadiskubre sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at 3 kamakailan.

Posible umanong sa ibang bansa nagmula ang mga surot na nadiskubre sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at 3 kamakailan.

Paliwanag ni Mike Buño, Pest Control Services Operations Supervisor sa NAIA Terminal 3, ang mga surot na nakita sa paliparan ay mas malalaki kumpara sa mga surot na nakikita sa Pilipinas.

“Compared po doon sa mga surot na meron tayo rito, mas malalaki po siya. Kalimitan po, for example, dun [yan nanggagaling] po sa mga bagahe or dun sa mga pumapasok satin bagahe or gamit na dala galing ibang bansa papasok sa terminal,” wika ni Buño.

Dagdag pa ni Buño, nagsasagawa sila ng regular na disinfection sa mga upuan sa NAIA.

Samantala, maging si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines ay kumbinsido sa teoryang galing ibang bansa ang mga surot.

“How can that be particularly that these chairs are made of steel? We’re not going to make excuses, but I saw the chairs. How can a bug stay there unless somebody brought it there? I’m not saying hindi pwede mangyari, it can happen,” aniya.

Nabuking ang surot sa dalawang terminal ng NAIA sa Facebook post ng ilang biyahero na nagpakita pa ng mga kagat ng nasabing insekto sa kanilang katawan.

Nitong Miyerkules ay iniulat ng MIAA na tinanggal na nila ang mga upuang sinasabing may mga surot. Humingi rin ng paumanhin ito sa mga mananakay.