Surigao del Sur inuga ng dalawang lindol

Dalawang magkasunod na lindol ang gumising sa mga residente ng Cagawit, Surigao del Sur ngayong Huwebes ng umaga.

Dalawang magkasunod na lindol ang gumising sa mga residente ng Cagawit, Surigao del Sur ngayong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lakas na magnitude 5.3 at 5.4 ang dalawang pagyanig, na naganap pasado alas-8 ng umaga.

Halos parehas umano ang epicenter ng dalawang lindol.

Naitala ang Intensity 5 sa bayan ng Hinatuan at Intensity 4 sa Bislig City. Hindi naman inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang mga naitalang pagyanig.

Dagdag pa ng ahensya, ang naganap na lindol ay aftershock ng magnitude 6.8 na pagyanig na naitala nitong Disyembre 2023 sa Surigao del Sur.