Surigao del Sur inalog ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Surigao del Sur nitong Biyernes ng hapon, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Surigao del Sur nitong Biyernes ng hapon, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naganap ang pag-uga bandang alas-4 ng hapon.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol, kung saan may 40 kilometrong layo sa hilagang-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur ang epicenter nito.

Habang ang lalim naman ng pagyanig ay nasa 16 kilometro.

Samatala, hindi naman inaasahan ang aftershocks ng naturang lindol at hindi rin inaasahan ang anumang ulat ng pinsala.