Sure na hindi Pinoy ang may sala! Tukuyin ang may kasalanan sa banggaan ng mga barko ng Pilipinas at China—PBBM sa Coast Guard

Nagpatawag ng command conference ang Pangulo Lunes ng umaga, Oktubre 23, upang talakayin ang pinakabagong insidente ng panggigipit ng China sa mga barko ng Pilipinas.

Inutusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Coast Guard (PCG) na magsagawa ng imbestigasyon sa pagbangga ng barko ng China Coast Guard sa resupply boat ng Pilipinas noong Linggo, Oktubre 22.

Nagpatawag ng command conference ang Pangulo Lunes ng umaga, Oktubre 23, upang talakayin ang pinakabagong insidente ng panggigipit ng China sa mga barko ng Pilipinas, na magdadala sana ng mga supplies sa BRP Sierra Madre, na nakasadsad sa Ayungin Shoal.

“He instructed the Philippine Coast Guard to conduct an investigation, as mandated by international maritime laws, into the events that transpired during the RORE mission to Ayungin Shoal by vessels of the China Coast Guard,” ayon sa social media post ng Presidential Communications Office (PCO).

“The incident, brought about by dangerous, illegal, and reckless maneuvers by vessels of the China Coast Guard, caused damage to a Philippine vessel within our exclusive economic zone and is being taken seriously at the highest level of government,” dagdag pa ng PCO.

Iginiit ni National Security Adviser Eduardo M. Año na hindi magpapatinag ang hanay ng Pilipinas sa kanilang patuloy na mga resupply missions kahit na nagbabadya ang panganib mula sa mga bapor ng China.

“We will not be deterred, and we will continue to resupply our troops in BRP Sierra Madre despite provocations,” ayon kay Año.