‘Supply allowance’ ng mga guro, dodoblehin ng administrasyon

Nakatakdang aprubahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang isang panukalang batas na magtataas ng teaching supplies allowance para sa mga guro sa bansa.

Nakatakdang aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang panukalang batas na magtataas ng teaching supplies allowance para sa mga guro sa bansa.

Sa gagawing pagpirma ng Pangulo, tataas mula P5,000 hanggang P10,000 ang kanilang makukuha sa pagsisimula ng School Year (SY) 2025-2026.

Nakatakdang gawin ang ceremonial re-enactment sa pagsasabatas ng “Kabalikat sa Pagtuturo Act” sa Hunyo 3 sa Malaca├▒ang Palace.

Samantala, pinangunahan ng ACT Teachers party-list ang panukala sa House of Representatives, na naipasa noong Disyembre ng nakaraang taon.

Dito, inaprubahan ang probisyon na P7,500 para sa SY 2024-2025 at P10,000 para sa SY 2025-2026, subalit P5,000 lang ang naipagkaloob para sa SY 2024-2025.