Suporta, hindi siraan, sa mga programang pang-ekonomiya ng gobyerno—mambabatas

Imbes na siraan ang gobyerno, nanawagan ang isang mambabatas na suportahan na lamang ito upang maipagpatuloy ang mga nasimulan ng proyekto at programa na nagpapalago sa ekonomiya ng Pilipinas.

Suporta ang kailangan ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Iyan ang apela ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, na hinimok nitong Huwebes, Oktubre 12, ang lahat na suportahan ang gobyerno dahil ginagawa nito ang lahat upang mapaganda ang ekonomiya ng bansa.

Gayunpaman, ayon kay Pimentel, may mga sektor at indibidwal pa ring pilit na sinisiraan ang gobyernong Marcos, na aniya nakasisira lamang sa pagkakataong mas pagandahin ang takbo ng ekonomiya ng bayan.

“Our President should be given all the support he needs especially at this time as he continues to work hard in protecting the purchasing power of Filipino families, creating more jobs and providing aid to the poorest of the poor,” paliwanag ni Pimentel.

Hinikayat rin niya ang mga opisyal sa gobyerno na gayahin si House Speaker Martin Romualdez, na aniya’y nagtatrabaho ng masinsin para sa bayan.

“He [Romualdez] backs his words with tough action. When he warned smugglers and hoarders that the law would catch up on them, he did not just sit down and did nothing after these pronouncements. He joined customs officials in inspecting rice warehouses,” saad ni Pimentel.