Suporta all the way: Romualdez, nangakong susuportahan ang mga atletang Pinoy

Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga atletang Pilipino na sumabak sa katatapos lang na Asian Games sa Hangzhou, China, at tiniyak rin niyang mas susuportahan pa ng pamahalaan ang sports development sa bansa.

Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga atletang Pilipino na sumabak sa katatapos lang na Asian Games sa Hangzhou, China. Tiniyak rin niya sa mga ito na makakaasa sila ng tuloy-tuloy na suporta mula sa pamahalaan.

“Sports have the power to unite a nation, and our athletes have certainly united us through their outstanding achievements. I am committed to furthering sports development in the Philippines to nurture future champions,” pagtitiyak ng Speaker.

Tinapos ng Pilipinas ang kampanya nito sa ika-19 Asian Games na may 4 gold, 2 silver, at 12 bronze medals.

“The achievements of the Philippine delegation, including securing medals and setting new records, demonstrate the dedication, hard work, and excellence of our athletes. Their success is a testament to the resilience and talent of Filipino sportsmen and sportswomen,” dagdag pa ni Romualdez.

Kanya naman nangako rin si Romualdez na gagawa siya ng mga hakbang upang mas mapaganda pa ang mga sports development initiatives sa bansa.