Sundalong Pinoy naputol daliri sa banggaan ng China, PH ship

Naputol ang hinlalaki ng isang sundalong Pinoy bunsod ng banggaan ng barko ng 'Pinas at China sa Ayungin Shoal.

Naputol ang hinlalaki ng isang sundalong Pinoy bunsod ng banggaan ng barko ng ‘Pinas at China sa Ayungin Shoal.

Sa report ng ’24 Oras’, pinakita ang naputol na hinlalaki ng sundalo na nakasakay sa barko ng ‘Pinas.

Giit din ng mga nakasaksi, binutas umano ng China Coast Guard ang barko ng Pilipinas at sinamsam din ang ilang kagamitan dito.

Kinondena naman ng Armed Forces of the Philippines ang umano’y intensyonal na pambabangga ng China Coast Guard sa Ayungin.

“The CCG’s continued aggressive behavior and unprofessional conduct towards a legitimate humanitarian mission is unacceptable. They must restrain themselves to avoid escalating tensions in the WPS,” ayon sa AFP.