Sumusunod sa batas! Japan pinuri ‘Pinas sa WPS issue

Pinuri ng bansang Japan ang Pilipinas sa pag-tindig nito sa 2016 arbitral ruling sa gitna ng mainit na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Pinuri ng bansang Japan ang Pilipinas sa pag-tindig nito sa 2016 arbitral ruling sa gitna ng mainit na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

“Japan highly appreciates the Government of the Philippines for having consistently complied with the Arbitral Tribunal’s award as to the disputes between the Republic of the Philippines and the People’s Republic of China regarding the South China Sea,” saad sa pahayag ng Ministry of Foreign Affairs ng Japan.

Kaya naman, umaasa ang Japan na maging ang China ay rerespetuhin ang nakasaad sa arbitral award at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“The arbitral award is final and legally binding on the parties to the dispute under the provisions of the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), and Japan strongly hopes that the parties’ compliance with the award will lead to the peaceful settlement of disputes in the South China Sea,” dagdag pa nito.

Bukod pa rito, nagpahayag ng pagkontra ang Japan sa paggamit ng karahasan sa pagresolba ng issue sa WPS. Nabahala rin ang nabanggit na bansa sa pambobomba ng China ng water cannon sa isang sasakyang pandagat ng Pilipinas.