Sumunod na lang kasi kayo! Mga operator at tsuper na hindi konsolidado, maaaring sumali sa mga kooperatiba–DOTr

Simula Pebrero 1, tatanggalan na ng prangkisa ang lahat ng hindi sumunod sa mandatong konsolidasyon sa ilalim ng modernisasyon at maaari nang hulihin ang mga ito.

May pagkakataon pang sumunod sa mandato ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ang mga operator at tsuper na hindi pa sumasailalim sa consolidation.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), maaari silang sumali sa mga kooperatiba at korporasyon upang tuloy-tuloy ang biyahe nila pagkatapos ng Enero 31, na huling araw sa palugit na ibinigay ng ahensiya para makabiyahe pa ang mga hindi konsolidado.

“Puwede po silang sumama sa isang kooperatiba kasi industriya naman nila yan eh, and may operator tayo na driver. Puwede siyang sumama—’yung operator na driver—sa kooperatiba. Mag-miyembro at maging driver po noong kooperatiba, so marami pa pong opportunity,” paliwanag ni Office of Transportation Cooperatives Chairman Andy Ortega sa isang media forum sa Quezon City.

BASAHIN RINLTFRB sa mga kooperatiba ng jeep: Pwede ninyong bilhin kung anong nais, basta pasado sa standard

Simula Pebrero 1, tatanggalan na ng prangkisa ang lahat ng hindi sumunod sa mandatong konsolidasyon at maaari nang hulihin.

Kaugnay niyan, handa ang ahensiya na ipatupad ang mandato nito, pati na rin sa mga maaaring mangyari paglipas ng Enero 31.

“We expect na everybody po susunod kung ano yung dapat. Now, on the part of government handa naman po tayo to implement what should be implemented,” aniya. “But rest assured conscious po kami sa emotions, conscious po kami sa mga posibleng mangyari…”

Tiniyak rin niya na bukas ang pinto ng DOTr upang tulungan ang mga tsuper na maaapektuhan ng PUVMP.

BASAHIN RIN: Kumambyo muli sa harap ng Kamara! LTFRB, muling pag-aaralan ang implementasyon ng PUVMP