Sumasabit sa eroplano! CAAP nagbabala sa pagpapalipad ng saranggola sa Virac

Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga Bikolano na nagpapalipad ng saranggola malapit sa airport.

Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga Bikolano na nagpapalipad ng saranggola malapit sa airport.

Ito’y matapos na sumabit ang tali ng isang saranggola sa wings ng isang eroplano.

Kinailangan bumalik ang eroplano at mag-emergency landing sa Virac Airport.

Pinaalala ng CAAP na may multang P2,500 ang mga mahuhuling magiging sanhi ng interruption sa mga eroplano.

“Ang malalaking saranggola na pinalilipad dito, ‘pag ito kinain o na-ingest ng engine lalo na nitong ating commercial flight, delikadong mag-cause ito ng pagkasira o magkaroon ng emergency,” ayon kay Virac Airport manager Primo Eleda.