Sumalangit nawa, Skywalker! Basketbolistang si Samboy Lim, pumanaw na

Nakilala si Skywalker sa kaniyang mga walang takot na salaksak, at walang takot rin niyang nilabanan ang hamon ng buhay nitong nakaraang pitong taon. Salamat sa mga alaala. Salamat sa isang alamat ng basketball!

Pitong taon matapos unang ma-comatose dahil sa matinding heart attack ay pumanaw na ang basketbolistang si Avelino “Samboy” Lim nitong Sabado ng, Disyembre 23.

Inanunsiyo ito ng mga kaanak ng tinaguriang “Skywalker” sa opisyal na Facebook page nito.

“Today, December 23, 2023, our dearly beloved Samboy passed away peacefully,” saad sa post. “A man of Faith, exceptional courage, humility and grace. He embodied the very best of humanity. The Skywalker was 61.”

Pinasalamatan rin ng pamilya ang lahat ng mga tumulong at nag-asikaso sa dating star player ng San Miguel Beermen sa Philippine Basketball Association (PBA).

“We thank Samboy’s amazing team of doctors headed by Dr. Luigi Segundo, physical therapists, nurses, caregivers, family and friends who, for the last 9 years, took excellent care of him,” saad pa sa post, na sinabi ring kasama ni Lim sa kaniyang huling sandali ang maybahay niyang si si Atty. Darlene Berberabe at anak na si Jamie, at ang mga kaibigan nitong sina Allan Caidic at Robert Evangelista.

Nobyembre 2014 nang mag-collapse si Lim dahil sa cardiac arrest sa isang exhibition game. Nanatili itong comatose ng limang linggo matapos ang insidente.

Naglaro ng 11 na taon si Lim sa PBA, kung saan siya nakilala bilang isang magaling at mabait na manlalaro. Nakilala rin siya sa taas ng kaniyang talon at mga acrobatic moves.