Sugat mula sa operasyon ni Revilla bumuka

Patuloy na hindi makakapunta ng Senado si Senador Ramon 'Bong' Revilla Jr. dahil sa kanyang tinamong Achilles injury.

Patuloy na hindi makakapunta ng Senado si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. dahil sa kanyang tinamong Achilles injury.

Matatandaang sumailalim sa operasyon si Revilla matapos mapilayan sa shooting ng bago niyang pelikula.

Sa kasamaang-palad, bumuka ang sugat mula sa kanyang operasyon.

“Sa aking pisikal na pagdalo at paglahok sa plenaryo–na taliwas sa paulit-ulit na payo ng aking mga doktor–namaga at bahagyang bumuka ang sugat mula sa aking Achilles tendon repair surgery,” saad ni Revilla.

Sa ngayon, virtual muna ang magiging paglahok ni Revilla sa mga aktibidad ng Senado.

Nagpasalamat naman si Revilla sa konsiderasyon ng kanyang mga kapwa senador sa kanyang kalagayan.