Student athlete todas sa bumagsak na soccer goal post

Patay ang isang student athlete sa Laoag, Ilocos Norte habang nasa training ito noong March 22.

Patay ang isang student athlete sa Laoag, Ilocos Norte habang nasa training ito noong March 22.

Kinilala ang biktima na si Nash dela Cruz, Grade 11 student mula Brgy. Caooacan sa Laoag.

Nag-eensayo para sa long distance track and field event ng Region 1 Athletic Association Meet ang estudyante nang mangyari ang insidente.

Sa report ng Bombo Radyo, sinabi ng coach na nagpunta umano ang estudyante sa isang soccer goal post at doon ito naglambitin.

Tumumba ang goal post na gawa sa bakal at nadaganan si Dela Cruz, na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Samantala, dumudulog ang magulang ni Dela Cruz na dapat na may managot sa pagkamatay ng kanyang anak.

Dahil din sa insidente, siniguro ng Department of Education sa Laoag na kanilang hihigpitan ang safety measure sa ensayo ng mga student athlete.