Strike 2! Karatula sa LRT-1 sablay ulit ang spelling

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen ang maling karatula ng LRT-1 sa istasyon nito sa Pedro Gil sa Maynila.

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen ang maling karatula ng LRT-1 sa istasyon nito sa Pedro Gil sa Maynila.

Sa kumakalat na social media post, nakunan ng litrato na ang spelling ng University of the Philippines Manila ay kulang ng ‘the.’

“Another wrong signage in one of LRT stations went viral after netizens spotted it as missing the word ‘the’ in the University of Philippines Manila,” saad sa post ng Facebook user na si Jeck Domilom.

“Mahirap ba talaga mag-proofread?” dugtong pa niya.

Samantala, nag-abiso na ang Light Rail Manila Corporation na inaayos na nila ang tamang spelling sa naturang karatula.

Kamakailan lamang ay binatikos din ang LRT-1 nang maispatan na ‘National Bureau of Investagation’ ang karatulang nakalagay sa United Nations station.