Stella Quimbo tinanggihan maging DepEd secretary

Kinausap ng Malacañang si Marikina Rep. Stella Quimbo na pumalit kay Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Kinausap ng Malacañang si Marikina Rep. Stella Quimbo na pumalit kay Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Batay sa ulat ng Abante, si Quimbo ang nais kunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging bagong mamumuno sa education sector ng bansa.

Inalok na umano ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngunit tinanggihan ito ng mambabatas. Hindi pa batid ang rason sa pagtanggi ni Quimbo.

Ang naturang kongresista ay ang kasalukuyang senior vice chairperson ng House Committee on Appropriations.

Naging professor at department chairperson din siya sa UP School of Economics.

Samantala, matatandaan na nitong Miyerkoles ay nagbitiw si VP Sara sa gabinete ni Marcos, kabilang sa kanyang binitawang posisyon ay ang pagiging DepEd Secretary.

May 30-day transition period pa si Duterte bago tuluyang iwan ang naturang posisyon.