Steady lang ‘yan: Presyo ng sibuyas, asukal, tamang presyo lamang sa Disyembre—DA chief Laurel Jr.

Partikular na ginagarantiya ni Agriculture Secretary Kiko Laurel Jr. na hindi tataas ang presyo nang sibuyas sa P700 kada kilo gaya nang nangyari noong Disyembre 2022.

Tiniyak ni Department of Agriculture na hindi magtataasan ng sobra ang presyo ng sibuyas at asukal sa Disyembre, o sa kasagsagan ng Kapaskuhan.

Partikular na ginagarantiya ni Agriculture Secretary Kiko Laurel Jr. na hindi tataas ang presyo nang sibuyas sa P700 kada kilo gaya nang nangyari noong Disyembre 2022.

Sa ngayon, P110 hanggang P140 kada kilo ang presyo ng pula at puting sibuyas.

Sa asukal naman, sinabi ni Laurel na hanggang P85 kada kilo lamang ang dapat bentahan nito, at hindi P100.

Kaugnay niyan, tiniyak ni Laurel na may mga hakbangin ang DA upang tugunan ang anumang pagtaas ng presyo ng asukal.

“We will do some interventions soon in order to address this (price disparity) problem. Unfortunately, I cannot divulge publicly kung ano yung mga gagawin natin through the efforts of the Department of Trade and Industry, Sugar Regulatory Administration, and DA,” aniya.