Stay sa DepEd! VP Sara pasalamat sa tiwala ni PBBM

Mananatili si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Mananatili si Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Matatandaan na sinabi na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang dahilan para tanggalin sa kanyang pwesto sa DepEd si VP Sara.

Sa pahayag ng Bise Presidente nitong Miyerkoles ay nagpasalamat ito sa Pangulo dahil sa patuloy nitong tiwala na siya ang mamuno sa DepEd.

“Maraming salamat, Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr., sa patuloy na pagtitiwala sa akin bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” ayon kay VP Sara.

“Makakaasa po kayo na ang DepEd, na binubuo ng lahat ng ating mga guro at non-teaching personnel, ay patuloy na maglilingkod nang tapat para sa kinabukasan ng bawat mag-aaral,” aniya pa.

Matatandaan na lalong naging issue ang bangayan sa pagitan ng mga Marcos at Duterte nang aminin ni First Lady Liza Marcos na may sama siya ng loob kay VP Sara.

Ito’y dahil tumatawa-tawa umano ang Bise Presidente ng tawaging ‘bangag’ ng ama nitong si ex-President Rodrigo Duterte si PBBM.

Tugon ni VP Sara, isasapribado na lang nila ng Pangulo ang pag-uusap hinggil sa issue.